Wednesday, May 26, 2010

Katamad!

Isa sa pinaka ayaw ko ay ang nagpapaabot ng bayad. Ayaw na ayaw ko talaga mag abot ng bayad. Well, it depends naman sa situation. Pero kung dalawa lang kayo sa jeep at ang isa ay nagaantay lang ng lalapit sa drive para mag bayad ay ibang usapan na 'yun.

Ako yung tipo ng tao na lalapit sa driver para mag bayad. Hindi ako nagpapaabot ng bayad not unless na puno na ang sinasakyan kong jeep. Kadalasan, umuupo ako sa malapit sa driver para lang magbayad at pagkatapos ay lilipat ako ng kinauupuan. Based on my own experience kase maraming tao ang nagbibingi bingihan or ayaw din mag abot ng bayad, ako pang masama kapag sinabihan ko sila ng "paabot naman po ng bayad".

Kanina habang papasok sa opisina sumakay ako sa jeep. Dalawa lang kame, naunang pumasok si ate (hindi ko sya kilala at medyo bata pa naman. Mga late 20's or early 30's ang age). Naupo sya sa bungad mapalit sa exit. Ako pagpasok ko direcho papunta kay driver at abot agad ng bayad. Ng pabalik na ko ng pwesto ko sa may bungad ng exit (sa kabilang side) nakita ko si ate at inaabot saken ang bayad. Kamuntikan ko ng ibulsa pagkat akala ko'y binibigyan nya lamang ako ng pera hahaha :P Kamuntikan ko na syang sabihan ng "'Te, hindi ka naman disabled", maigi na lamang at marunong akong magtimpi. Sana sa susunod matuto naman silang magbayad ng sa sarili lamang nila na hindi na nila kelangan pa mag-utos nga kungsino man ang lalapit sa driver.

No comments:

Post a Comment